Sunday, June 6, 2010

Ang Sandok

naniniwala ka ba sa pamahiin? medyo may dating sa akin ang mga pamahiin kahit na walang direktang relevance ang kahulugan ng sa isang bagay sa isa pang bagay. tulad na lang ng isa pinakasikat at pinaka-gasgas na pamahiin ay ang pusang itim. sabi nila kung may makakasalubong ka daw na pusang itim e malas daw o di naman kaya e maaaksidente ka kaya mabuti pa na wag ka na lang tumuloy. kawawa naman ang lahi ng mga black cats..tsk..tsk..ang walang kamuwang-muwang na pusa ang nasisisi sa kashongahan ng iba..

basta ako,pili lang ang mga pamahiin na gusto kong paniwalaan (?syempre gusto ko yung good vibes lang lahat)tulad na lang ng sandok. sabi ng mabeauty kong ina sa unang sweldo daw e sandok daw ang bilhin para swertehin sa trabaho. bilang isang napakabait at masunuring anak syempre bumili nga ako ng sandok kahit na may sandok na kme (fyi:unang sweldo to ng asawa ko hindi sa akin. sinuwerte ba ako? hindi ko alam..pero na ging maluwag na kme sa pera ngayon at laging may laman ref namin..so kayo na lang humusga!

Tuesday, June 1, 2010

अनो बा अंग ब्लॉग?

bakit ba ako andto sa site na to? ano ba dapat ko isulat? kailangan ba yung sumisigaw sa papansin na write up? o dapat medyo professional at di makabasag pinggan? ewan ko..basta ang alam ko lang wala ako magawa ngayon..naiinip ako sa training kaya kinakausap ko sarili ko dto sa site na to?! well, isa lang naman to sa paraan na alam ko para di ako masiraan ng bait..grabe sa info overload 'tong training na to..at nakaka-nose bleed din "gud'ay mate" ng mga aussies...pero syempre got to be here..got to love 'em.. because IT'S THE JOB THAT PAYS THE RENT!" pero kung yayaman lang ako..pag nanalo ako sa lotto..ay teh,deadma na sa pag-aaral ng slang at iba't ibang pronunciation ng mga salita ng ibang bansa..i'll do what other millioners do (ano nga ba ginagawa nila??)...kaso nga lang may problema..hindi naman ako tumataya sa lotto e! (toinks!)