naniniwala ka ba sa pamahiin? medyo may dating sa akin ang mga pamahiin kahit na walang direktang relevance ang kahulugan ng sa isang bagay sa isa pang bagay. tulad na lang ng isa pinakasikat at pinaka-gasgas na pamahiin ay ang pusang itim. sabi nila kung may makakasalubong ka daw na pusang itim e malas daw o di naman kaya e maaaksidente ka kaya mabuti pa na wag ka na lang tumuloy. kawawa naman ang lahi ng mga black cats..tsk..tsk..ang walang kamuwang-muwang na pusa ang nasisisi sa kashongahan ng iba..
basta ako,pili lang ang mga pamahiin na gusto kong paniwalaan (?syempre gusto ko yung good vibes lang lahat)tulad na lang ng sandok. sabi ng mabeauty kong ina sa unang sweldo daw e sandok daw ang bilhin para swertehin sa trabaho. bilang isang napakabait at masunuring anak syempre bumili nga ako ng sandok kahit na may sandok na kme (fyi:unang sweldo to ng asawa ko hindi sa akin. sinuwerte ba ako? hindi ko alam..pero na ging maluwag na kme sa pera ngayon at laging may laman ref namin..so kayo na lang humusga!
Sunday, June 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment